SA gitna ng kontrobersiya, isang mungkahi ang dulog ng isang kongresista – limitahan ang kapangyarihan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa aspeto ang pagpapasya sa pag-angkat ng asukal mula sa ibang bansa.
Para kay House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto, hindi dapat pinahihintulutan ang naturang tanggapang magdesisyon ng labas sa siyentipikong paraan sa pagbaid kung sapat o kulang ang supply ng asukal sa merkado.
Hindi rin aniya dapat magpadalos-dalos ang SRA na una nang tinuligsa dahil sa P300,000 metriko toneladang isinusulong ng mga di umano’y bunga ng “lobby and politics.”
Ayon kay Recto, napapanahon na rin ibase ang sugar importation sa magiging pasya ng isang multi-agency task force na bubuuin ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
“Multi-agency dapat. NEDA (National Development Economic Authority), for example, is on board in determining production and consumption outlook?” ayon sa mambabatas.
Sa ilalim ng umiiral na sistema, tanging ang SRA at Department of Agriculture (DA) lang ang nagde-desisyon kung kailan pwedeng umangkat at gaano karami ang dapat angkatin.
Upang masigurong kakulangan lang sa supply lang aangkatin, kailangang rebisahin ng isang third party ang desisyon ng SRA sa hangaring bigyang proteksyon ang ang mga sugar planters at consumers.
“What I am proposing is that a group of experts, from the academe perhaps (and NEDA), should take a second look at our food import projections, not just on sugar, but on all commodities, so that we will not be importing more than what is needed,” ani Recto.
Paniwala pa ng kongresista, ang kanyang mungkahi ang magbibigay katiyakan hindi hahantong sa oversupply na papatay sa sugar industry sa bansa. Maganda rin aniyang mekanismo ang naturang hakbang para mabati kung may mga negosyanteng nagsasamantala.
“Subjecting sugar data to third party vetting, will not only strengthen the integrity of projections made, but will hush down unfair claims of data manipulation,” dagdag pa ng mambabatas.
Umami ng kabi-kabilang patutsada ang SRA matapos maglabas ng Sugar Order No. 4 para sa pag-angkat ng 300,000 metric tons, sa kabila ng direktiba ng Palasyo – sapat lang para punuan ang kakulangan ang pwedeng angkatin.
Sa pagtataya ni Samahan ng Industriya ng Agrikultura (SINAG) chairman Rosendo So, hindi hihigit sa 100,000 MT lang shortage sa supply.(BERNARD TAGUINOD)
381 