DFPC SHOPS PINALAWIG

SA hangaring palakasin ang operasyon ng mga establisimyento sa ilalim ng Duty Free Philippines Corporation (DFPC), nagpalabas ang
Bureau of Customs (BOC) ng mga bagong panuntunang inaasahang kakikitaan ng mas malawak na abot at karag­dagang benepisyo sa gobyerno at sa mga kwalipikadong indibidwal na nakikinabang dito.
Sa inilabas na Administrative Order 05-2021, pasok na sa mga benepisyo maging ang mga tindahang nagbebenta ng mga imported goods na mula sa DFPC para sa mga kwalipikadong indibidwal, kabilang na ang mga balikbayan.
Sa ilalim ng Amended Rules, Regulations and Procedures kaugnay ng pagtatagu­yod ng mga duty free shops, pasok na rin ang tindahan bilang extension ng DFPC – saan mang lugar sa kondisyong bawat sangay ay magkakaroon ng sariling mekanismo sa seguridad.
Gayunpaman, dagdag res­ponsibilidad ng mga tindahan ang pagsusumite ng anila’y  updated layout plan ng mga DFPC Stores, kabilang na ang tala ng benta mula sa mismong tindahan at location plan ng  bawat sangay.
“Store shall refer to the physical establishment, sales, or display counters where the goods sold by DFPC are exhibited for consumption by qualified individuals. DFPC Stores are considered as extensions of  DFPC’s main bonded warehouse irrespective of location, provided that each branch or outlet shall be covered by a separate and individual warehousing security.”    (BOY ANACTA)
158

Related posts

Leave a Comment