DILG BIBIGYAN NG PAPEL SA VACCINE DELIVERIES

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat maging kabahagi ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa ninanais ng Pfizer na direct vaccine delivery ng kanilang mga bakuna.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., gusto ng Pfizer na huwag nang magkaroon ng double handling at sa halip ay ideretso na agad ang kanilang bakuna sa kinauukulang Local Government Unit (LGUs).

Sinabi ng pangulo na ang magiging trabaho ng DILG ay tingnan kung ano pa ang kakailanganin sa paghahatid ng bakuna at matiyak na mapananatili ang integridad ng vaccine.

” I would insist that the DILG would be part of the supervisory team kasi gusto kong malaman rin ni Secretary Año if everything is done according to what has been planned,” ayon sa Pangulo.

Aniya, dapat masiguro na magiging maayos ang handling o paghawak sa mga bakuna hanggang sa ito ay mailipat na sa pangangalaga ng LGUs.

Ang Pfizer ang sinasabing pinakamaselang bakuna na ginagamit sa vaccination program ng pamahalaan na ayon kay Secretary Galvez, sa kaunting pagkakamali ay tiyak na masasayang ito at hindi na magagamit. (CHRISTIAN DALE)

87

Related posts

Leave a Comment