DILG PABOR AMYENDAHAN IRR SA GUN OWNERSHIP

NANAWAGAN si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa mga mambabatas na amyendahan ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng gun ownership sa bansa.

Ayon kay Remulla, layunin nitong palakasin ang umiiral na batas at magkaroon ng malinaw na criminal liability ang may-ari ng baril kapag ginamit ito ng ibang tao sa paggawa ng krimen.

Binigyang-halimbawa ng kalihim ang insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City, kung saan ang may-ari ng baril ay nahaharap lamang umano sa kasong may kaugnayan sa administratibong pananagutan at hindi sa criminal liability.

Aniya, sa ilalim ng kasalukuyang umiiral na batas, hindi maaaring papanagutin sa kasong kriminal ang may-ari ng baril kung ito ay ginamit ng ibang tao sa pagsasagawa ng krimen.

Dahil dito, iginiit ni Remulla ang pangangailangang repasuhin at amyendahan ang umiiral na mga patakaran upang mapalakas ang pananagutan ng mga gun owner at maiwasan ang katulad na mga insidente.

(JESSE RUIZ)

90

Related posts

Leave a Comment