DIPLOMATIC PASSPORT BINAWI SA MGA EX- DFA SEC, AMBASSADOR

DAF12

(NI DAVE MEDINA)

TULUYAN nang dinesisyunan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkansela sa lahat ng mga courtesy diplomatic passports na ipinagkaloob sa mga dating  foreign affairs secretaries at ambassador makaraan ang insidente sa Hong Kong kung saan hindi pinahintulutang makapasok ng Hong Kong si dating foreign secretary Albert del Rosario.

“The DFA Office of Consular Affairs (OCA) will be issuing an order shortly, cancelling all courtesy diplomatic passports, and requiring their surrender for physical cancellation,” anang DFA sa statement, ngayong Sabado.

Sa naturang kanselasyon at pagpapasauli ng mga nasabing mga passports ay isang pagpapatibay na hindi na itutuloy ang naturang nakaugalian.

Nilinaw din ng DFA na ang diplomatic passport, sa bisa ng 1993 DFA Order, na ibinigay sa  mga dating kalihim at ambassador ay bilang kortesiya lamang umano at walang epekto para sa immunity sa ilalim ng Vienna Convention, at sa halip ay mabigyan lamang ng “port courtesies” sa mga immigration counter sa abroad.

Magugunitang inabot ng halos anim na oras na nakadetine si Del Rosario ng Hongkong Immigration sa airport noong Biyernes at tuluyang hindi pinapasok.

Tinitingnang dahilan dito ang inihain niyang reklamo laban kay Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC).

 

322

Related posts

Leave a Comment