JaDine REUNION MOVIE, CONFIRMED!

jadine12

KINUMPIRMA  ng multi-talented na aktres na si Nadine Lustre na ang reunion movie nila ng onscreen at real life partner na si James Reid ay tuloy na tuloy na.

Kakapanalo lang ni Nadine bilang “Pinakamahusay na Pangunahing Aktres” sa katatapos lang na 42nd Gawad Urian. Nang dumalo siya sa HOOQ Free Play event kamakalawa, tinanong ang aktres kung tuloy na talaga ang proyektong ito na pinakahihintay ng kanilang mga tagahanga.

Isang kataga lang ang sinagot ng dalaga para kumpirmahin na tuloy na nga ang proyekto. Ang huling pelikulang pinagsamahan ng dalawa ay ang Never Not Love You na ni-release mahigit isang taon na ang nakakaraan.

Mula noon, sumabak si Nadine sa iba’t ibang projects nang wala si James: Miss Granny, Ulan at ang ipapalabas pa lang na Indak. Ang reunion movie ay Filipino adaptation ng Korean thriller, romantic comedy movie na Spellbound.

207

Related posts

Leave a Comment