IPINAG-UTOS ng hepe ng Pambansang Pulisya ang malawakang pagsusuri at pagrepaso sa disability discharge ng PNP.
Kasunod ito ng naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng viral video ng isang army captain na nabulag matapos masabugan.
Bahagi ito ng isinasagawang internal reforms ng organisasyon upang matiyak na ang mga law enforcer na napinsala ay makatanggap ng nararapat na pagkilala, wastong benepisyo, at pagkakataong makapagpatuloy ng serbisyo kung kaya pa.
Kasabay nito, iniutos ng Pangulo sa Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines na repasuhin at palakasin ang kanilang disability discharge rules matapos ang forced retirement sa naturang sundalo.
Kaagad namang inatasan ni Nartatez ang PNP Health Service at ang Directorate for Personnel and Records Management na magsagawa ng audit sa kasalukuyang proseso ng disability discharge, partikular na sa mga lumang probisyon, kakulangan, at iba pa.
Kanya ring inutusan ang iba’t ibang yunit na tukuyin ang mga administrative, technical, at support roles na maaaring ibigay sa mga pulis na hindi na ‘fit for field deployment’ ngunit may kakayahan pang makapaglingkod.
Binigyang-diin din ng Acting PNP chief ang patuloy na commitment ng PNP na palakasin ang welfare programs para sa mga nasugatang pulis, tulad ng medical care, financial assistance, counseling, at reintegration support.
(TOTO NABAJA)
82
