DOH, DOLE SANIB-PWERSA SA BAKUNA KONTRA TIGDAS

PINAGTULUNGAN ng Department of Health (DOH) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapalakas ng bakunahan kontra tigdas at tigdas-hangin sa bansa.

Hinimok ng dalawang ahensya ang mga employer na payagan o i-excuse ang mga empleyadong magpapabakuna ng kanilang mga anak sa ilalim ng programang DOH-Ligtas Tigdas.

Ayon sa DOH at DOLE, maaaring pansamantalang makaliban sa trabaho ang mga magulang o tagapangalaga para madala sa bakunahan ang kanilang mga anak basta makapagsusumite ng patunay na sila ay nagpabakuna.

Pinayagan din ng DOLE ang paggamit ng available leave credits ng mga empleyado, alinsunod sa umiiral na polisiya ng kanilang kumpanya.

Nanawagan naman ang DOH sa mga magulang at guardian na bigyang-prayoridad ang pagpapabakuna sa mga batang edad 6 hanggang 59 buwan o wala pang limang taong gulang upang maprotektahan laban sa nakamamatay na sakit.

(JULIET PACOT)

2

Related posts

Leave a Comment