NAGPAALALA ang Department of Health (DOH) sa publiko na mag-ingat laban sa panganib ng pagkakuryente dulot ng mga live wire tuwing tag-ulan at may pagbaha.
Sa inilabas na advisory, sinabi ng DOH na ang pagtaas ng tubig-baha at mga nabasang linya ng kuryente ay maaaring magdulot ng electrocution sa loob at labas ng mga tahanan.
Dahil dito, pinayuhan ng ahensya ang publiko na manatiling alerto at tiyaking ligtas ang buong pamilya habang nagpapatuloy ang malalakas na pag-ulan.
Ayon sa DOH, mahalagang sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan, unahin ang kaligtasan laban sa mga panganib na dulot ng kuryente, at agad tumawag sa National Emergency Hotline 911 kung kinakailangan ng tulong.
(JULIET PACOT)
42 