DOH NAKAPAGTALA NG HIGIT 6K COVID CASES

PATULOY na nadaragdagan ang mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ng 6,560 bagong kaso ang Department of Health (DOH) ngayong Biyernes.

Sa ulat ng DOH, hanggang 4:00 ng hapon ng Hulyo 21, umaabot na sa 1,524,449 ang total COVID-19 cases sa bansa.

Sa naturang kaso, 3.1% na lamang o 47,996 pasyente ang itinuturing pang aktibong kaso kabilang ang 92.1% mild cases, 2.6% naman ang severe, 1.84 ang moderate.

May 5,364 namang nadagdag sa mga gumaling kaya umaabot na ngayon sa 1,449,579 ang total recoveries sa bansa.

Ang mga nasawi naman ay nadagdagan ng 32 na naghatid sa kabuuang bilang ng death toll sa 26,874.

134

Related posts

Leave a Comment