KAILANGAN na magtakda ng malinaw na alituntunin ang Department of Health (DOH) sa asymptomatic at mild COVID-19 cases habang nagpapatuloy ang pamahalaan sa pakikipaglaban sa tumataas na bilang ng mga nahahawa ng virus.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nabigo ang DOH na magbigay ng mas malinaw na guidelines sa COVID-19 patients na pinapayagan na manatili sa bahay habang pinapababa ang health risks sa kanilang mga mahal sa buhay.
“Well I have to recognize that the DOH perhaps should have been clearer at the onset na stay at home if you have your own room and your own bathroom,” ayon kay Sec. Roque.
Kinikilala nila ngayon ang pagkakamali na naging ambag sa pagtaas ng infection.
“I think hindi naging malinaw kasi yung sinabi ng DOH that the asymptomatics and mild can stay home. Hindi nila nilinaw na you must have your own room and bathroom. Tingin ko isa sa dahilan ito kaya tumaas ang numero natin,” aniya pa rin.
Sinabi ni Sec. Roque na itinatama nila ngayon ang naging pagkakamali sa pamamagitan ng mas pinaigting na “testing and tracing efforts, and boosting further initiatives under the Oplan Kalinga.”
Pinapayagan ng programang ito ang mga awtoridad na magsagawa ng home searches para sa COVID-19 patients at ilipat sila sa local isolation facilities.
Inulit naman ni Sec. Roque ang sinabi ni Philippine testing czar Vince Dizon na target ng gobyerno ang i-test ang bawat tao sa Metro Manila at taasan ang isolation facilities.
“Ika-calibrate itong cases with building of more isolation centers. Wala pang two weeks na ina- nounce ang [Oplan Kalinga], napupuno na ang facilities,” aniya pa rin.
Sinabi pa ni Dizon na bukod sa government isolation facilities, ay gagamitin na rin ang mga hotel para i-accommodate ang mild at asymptomatic patients, alinsunod sa Department of Tourism at local government units.
May 2,000 hotel rooms mula Sogo, Go Hotels at Astrotel Hotels sa Metro Manila ang available atlibre, kailangan lang na ang mga pasyente ay nakikipag-ugnayan sa kanilang LGUs para sa accommodation.
“Nagko-coordinate tayo sa LGUs, binabantayan 24/7 ng kapulisan, para siguraduhing hindi sila lalabas at libre rin ang pagkain,” paliwanag ni Dizon. (CHRISTIAN DALE)
174 