PURSIGIDO ang Department of Justice (DOJ) na makipag-ugnayan sa bansang The Netherlands para hilingin ang pagpapabalik sa Pilipinas ni Atty. Harry Roque.
Ang dating Presidential Spokesperson ay naisyuhan ng warrant of arrest ng Angeles, Pampanga RTC Branch 118 na nahaharap sa kasong qualified human trafficking kaugnay sa operasyon ng Lucky South 99 scam hub sa Porac, Pampanga.
Batay sa warrant na pirmado ni Presiding Judge Rene Reyes, nakitaan ng probable cause o matibay na basehan ang isinampang reklamo laban kay Roque, Cassandra Ong at 48 iba pa.
Samantala, sinabi ni DoJ Assistant Secretary Mico Clavano na kailangang maiharap sa korte si Roque dahil kailangang kilalanin ang hurisdiksyon ng hukuman para masimulan na at magpatuloy ang pagdinig sa kaso.
(JULIET PACOT)
