DOJ, PINABULAANANG MAY ‘SPECIAL TREATMENT’ SI ATONG ANG SA NBI

Mariing pinabulaanan ni Justice Secretary Fredderick Vida ang alegasyong malakas umano si gambling tycoon Atong Ang sa National Bureau of Investigation (NBI), kaya hindi ito isinasama sa manhunt dahil sa sinasabing koneksyon ng ilang ahente sa negosyante.

“I definitely deny that there are such instructions, even from the Secretary of Justice, nor in any of my discussions with NBI Director Lito Magno,” pahayag ni Vida sa media nitong Huwebes.

Ayon sa kalihim, lahat ng law enforcement agencies ay saklaw ng utos ng korte at magkakatuwang sa pagpapatupad ng batas upang matunton at maaresto si Ang.

“Malalim na ang iba’t ibang pagkilos ng iba’t ibang ahensya na tumutugis upang maiharap siya sa korte,” dagdag pa ni Vida.

Matatandaang noong Enero 13 ay naglabas ang Regional Trial Court Branch 26 ng Santa Cruz, Laguna ng warrant of arrest laban kay Ang kaugnay ng kasong may kinalaman sa umano’y pagkawala ng mga sabungero.

(JULIET PACOT)

38

Related posts

Leave a Comment