RUSSIAN VLOGGER NANAKOT MAGPAPAKALAT NG HIV, ARESTADO NG BI

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Russian vlogger matapos manakot online na magpapakalat ng HIV sa Pilipinas.

Ang nasabing video ay nag-viral kaya agad inaresto ang dayuhan ng mga tauhan ng Immigration Fugitive Search Unit.

Kinilala ang naturang dayuhang vlogger na si Nikita Chekhov na natagpuan sa loob ng isang condominium building sa Quezon City.

Ayon sa impormasyon mula sa BI, dumating ang dayuhang vlogger noong ika-15 ng Enero.

Sa kanyang pagdating sa bansa, nag-video ito sa commercial district

o sa Bonifacio High Street sa Taguig City kung saan inihayag ang balak na magpakalat ng sakit na HIV.

Bagama’t itinuturing lamang ito bilang ‘rage-bait’, ayon kay Immigration Comm. Joel Anthony Viado, papanagutin pa rin ang dayuhang abusado na walang respeto sa pananatili sa bansa.

Nahaharap sa ‘deportation’ ang naarestong vlogger na kasalukuyang inilagay pansamantala sa detention facility ng Bureau of Immigration.

(JOCELYN DOMENDEN)

35

Related posts

Leave a Comment