DOJ, WALA PANG PINAL NA DESISYON SA REKLAMONG OBSTRUCTION OF JUSTICE LABAN KAY PADILLA

INIIMBESTIGAHAN pa rin ng investigating panel ng Department of Justice (DOJ) ang reklamong obstruction of justice na inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban kay Senador Robin Padilla.

Ayon kay Justice Secretary Frederick Vida, matapos ang fact-finding ay makikipagkonsulta ang DOJ sa National Bureau of Investigation (NBI) upang matukoy kung may mga kasong dapat isampa, kung kinakailangan.

Sinabi rin ni Vida na may hiwalay na imbestigasyon ang Office of the Ombudsman kaugnay ng usapin.

Dagdag pa niya, pagbabatayan ng DOJ ang mga ebidensya at susuriin ng mga prosecutor ang kabuuan ng mga pangyayari, kabilang ang mga naging pahayag at kilos ng mga sangkot bago, habang at matapos ang insidente, upang matukoy kung may pananagutang kriminal.

Nilinaw naman ni Vida na hindi niya pangungunahan ang magiging pasya ng investigating panel bilang paggalang sa kanilang magiging desisyon.

Matatandaang inakusahan si Padilla na umano’y nagkanlong kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa upang hindi ito masilbihan ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

(JULIET PACOT)

73

Related posts

Leave a Comment