DOJ WALANG NAITALANG BULLYING COMPLAINTS MULA HULYO 30

WALA pa ring naitalang reklamo ang Department of Justice (DOJ) kaugnay ng bullying mula Hulyo 30 hanggang Setyembre 2, 2026, ayon kay DOJ Undersecretary Ian Norman Dato.

Gayunman, nilinaw ni Dato na hindi nangangahulugan ang zero complaints na wala ring nagaganap na bullying incidents, partikular sa mga paaralan.

“Zero complaints does not mean zero incidents,” ani Dato sa isang press conference.

Ipinaliwanag niya na karaniwang unang inaaksyunan sa paaralan ang mga insidente ng bullying sa pamamagitan ng Child Protection Committees.

Umaabot lamang sa DOJ ang mga kaso kapag nairefer ang mga ito alinsunod sa Department Circular No. 26 o kapag may posibleng criminal liability.

Sinabi rin ni Dato na patuloy na sinusuri ng DOJ kung may kailangang baguhin sa kasalukuyang sistema upang mapahusay ang mekanismo ng pag-uulat at pag-aksyon sa mga reklamo ng bullying.

(JULIET PACOT)

61

Related posts

Leave a Comment