GUMULONG na sa Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation (PI) laban kay dating Ateneo de Manila University coach Tab Baldwin at walong iba pa kaugnay ng pagkamatay ng dalawang Ateneo cagers na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Ayon kay DOJ Undersecretary Ian Norman Dato, isinagawa nitong Lunes, Agosto 31, ang unang pagdinig sa PI kaugnay ng reklamong reckless imprudence resulting in homicide laban sa mga respondent.
Sa press briefing ng DOJ, sinabi ni Dato na ito ang kasong inirekomenda ng kagawaran batay sa mga ebidensyang nakalap, at hindi paglabag sa Anti-Hazing Law na una nang inirekomenda ng Philippine National Police (PNP).
Ipinaliwanag ni Dato na pasok ang kaso sa mga kwalipikasyon sa ilalim ng Department Circular No. 20, partikular sa prima facie evidence rule.
Inatasan naman ang mga respondent na magsumite ng kanilang reply affidavits bilang tugon sa reklamo.
Kabilang sa iba pang respondent sina Grant Dearns, Dean Caesar B. Castaño, Sandro Nicholas Soriano Romero, Reynaldo C. Jacinto Jr., John Eric Quiambao Rueca, Ceasar Vincent Javellana Elumba, Emmanuel Toribio Fernandez at Vincent Raphael M. Mangulabnan.
Ang reckless imprudence resulting in homicide ay may kaparusahang pagkakakulong na hindi lalampas sa anim na taon.
(JULIET PACOT)
72 