DORMITORIES ISASAMA SA ISOLATION FACILITIES

KINUKONSIDERA ng gobyerno na gamitin ang mga dormitoryo bilang isolation facilities kung kinakailangan.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kung kukulangin ang bilang ng mga pasilidad para sa isolation measures na ipinatutupad ng pamahalaan ay kaagad gagawing isolation facility
ang mga dormitoryo.

Kaya, asahan na aniya ng publiko na magdaragdag pa ng maraming isolation facilities ang gobyerno bilang isa sa magiging pagbabago sa pagtugon sa COVID-19.

Subalit, kung sakalit kulangin pa rin aniya ang libo-libong plano ng gobyerno na idagdag sa pasilidad para maihiwalay ang mga positive sa COVID, maaaring magpa-book na rin ang
pamahalaan sa mga dormitoryo.

Sa kabilang dako, maaari rin aniya na gamitin ang mga paaralang hindi pa rin magbubukas dahil sa pandemya.

“If these are not enough, we will book dormitories, school dormitories, school still out, we will actually attempt to isolate everyone who will turn out positive, because the experience of the other
countries is it’s only in this manner that they were able to control the spread of the disease,” dagdag na pahayag nito. (CHRISTIAN DALE)

111

Related posts

Leave a Comment