DOWNWARD TREND NG COVID CASES ‘DI ARTIFICIAL – DOH

TINIYAK ng Department of Health (DoH) na hindi artificial ang patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID- 19 na naitatala sa bansa.

Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na talagang bumababa na ang mga kaso ng virus infection ngayon sa Pilipinas.

Sa katunayan aniya, ang average na kaso ng virus infection kada araw ay 2,888 na lamang sa bansa, habang sa Metro Manila ay 493.
Maging sa mga ospital, bumababa na rin aniya ang mga naa-admit.

Sa kabilang banda, aminado si Vergeire na may ilan pa ring lugar na may mataas na hospital admission dahil ang iba sa kanila ay nagde-develop sa severe o kritikal na sitwasyon.

Sa kabila ng patuloy na pagbaba ng mga kaso, pinaalalahanan ni Vergeire ang publiko na patuloy na sundin ang health protocols. (CHRISTIAN DALE)

197

Related posts

Leave a Comment