TARGET ng gobyerno ng Pilipinas na bakunahan ang 5 milyong katao sa ikakasang three-day “National Vaccination Day” ngayong Nobyembre.
“Our target here is to administer jabs for about five million. The plan is this November and that’s already in the pipeline,” ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 head of strategic communications on current operations, Assistant Secretary Wilben Mayor sa isang panayam.
“It’s a convergence of all sectors, of the national government, private, and other entities so that we can arrive at that particular target,” dagdag na pahayag nito.
Nauna rito, sinabi ng Department of Health (DOH) na ang kampanya ay hindi lamang magtatampok sa sunod-sunod na pagbabakuna kundi dayalogo kasama ang mga eksperto para ipaliwanag ang kahalagahan ng pagbabakuna.
Ang malawakang vaccination drive ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan para makamit ang “population protection” bago matapos ang taon.
Sa kasalukuyan, tinatayang may 28,718,856 indibidwal na ang fully vaccinated o 26.06% ng kabuuang populasyon. (CHRISTIAN DALE)
213 