DRIVER NAAKSIDENTE NA, TIMBOG PA SA SHABU

BATANGAS – Dobleng kamalasan ang inabot ng isang lalaki nang sumalpok ang minamaneho nitong kotse sa isang sasakyan at mahulihan pa ng ilegal na droga sa Lipa City noong Lunes.

Ayon sa report ng Lipa City Police, dakong alas-5:45 ng umaga nang sumalpok ang kotseng minamaneho ni Marvin Inciong sa isang nakaparadang kotse sa gilid ng kalsada sa Templo Ave. Brgy. Banay-Banay, Lipa City.

Subalit habang iniimbestigahan ng mga tauhan ng Lipa City Police, nadiskubre ng mga awtoridad ang isang sling bag sa loob ng kotse na naglalaman ng 5 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 11 grams at may street value na P40,000.

Tuluyang inaresto ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 11 ng Art. 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(NILOU DEL CARMEN)

155

Related posts

Leave a Comment