TIKLO ang 26-anyos na kabilang sa drug watchlist ng pulisya, at dalawang kasama nito makaraang makumpiskahan ng ilegal na droga at baril noong Lunes ng gabi sa Pasig City.
Ayon sa ulat ni EPD Director P/BGen. Orlando Yebra, kinilala ang mga nadakip na sina Christopher Nano, 26, nasa drug watchlist; Joven Lopez, tricycle driver, at Charmaine Bautista, 31-anyos.
Napag-alaman, dakong alas- 8:30 ng gabi nang isagawa ng mga awtoridad ang buy-bust operation laban sa tatlo sa #133 MC Guinto Malasagana St., Brgy. Pinagbuhatan sa Pasig.
Nakumpiska sa mga suspek ang 14.58 grams ng umano’y shabu na tinatayang P99,144 ang halaga, boodle money at isang .38 caliber revolver na may apat na bala.
Sinampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act). (KNOTS ALFORTE)
