DROGA SINISILIP SA PAGPATAY SA BABAE SA TONDO

PATAY ang isang 46-anyos na babae makaraang malapitang barilin ng hindi kilalang lalaki sa Tondo, Manila nitong Martes ng madaling-araw.

Kinilala ang napatay na biktimang si Vilma Lagrosa y Echalar, dalaga, ng #314 Simon St., Tondo, sakop ng Brgy. 96.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang ala-una ng madaling araw, naglalakad ang biktima kasama si Kim Brian Manalang y Villavicencio, 23, helper,
nang biglang dumating ang isang lalaking lulan ng motorsiklo.

Bumaba umano mula sa motorsiklo ang suspek, nilapitan ang biktima at binaril sa Simon St., malapit sa panulukan ng Francisco at Varona streets sa Tondo.

Pagkaraan ay tumakas ang suspek lulan ng kanyang motorsiklo.

Nabatid sa imbestigasyon na si Lagrosa ay dating nakulong sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at lumaya noong Disyembre 2018.

Bunsod nito, hinihinalang ilegal na droga ang motibo sa pagpatay sa biktima. (RENE CRISOSTOMO)

207

Related posts

Leave a Comment