DU30 ‘DI NAGMAMADALI SA PAGTALAGA NG PNP CHIEF

duterte66

(NI CHRISTIAN  DALE)

“I’M taking my time appointing one.”

Ito ang tugon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagpili niya para sa susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).

Sa press conference sa Heroes Hall, Malakanyang, Martes ng gabi, sinabi ng Pangulo na hindi siya nagmamadali na pumili ng papalit kay dating PNP Chief Gen. Oscar Albayalde.

Kabilang na kasi sa mga pinalulutang na susunod na PNP chief ay sina Lt. Gen. Camilo Cascolan at Maj. Gen. Guillermo Eleazar.

Ani Pangulong Duterte, pawang magagaling naman ang lahat ng kandidato sa pagka-PNP chief at walang kwestyon sa integridad ng mga ito.

Iyon nga lamang aniya pinaglalaanan niya ng oras ang pagpili.

“They’re all good. They are soldiers. They came from academy. I have no doubt about their integrity, but I’m taking my time appointing one,” ani Pangulong Duterte.

Aniya pa, ang pipiliing PNP chief kasi ang magtatalaga sa heads ng PNP directorates.

At kapag nagtatalaga na siya sa isang pwesto ay hindi na siya nakikiaalam sa trabaho nito.

Ang PNP ay pinamumunuan ngayon ni officer-in-charge Police General Archie Gamboa.

Nauna nang sinabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac na kailangan na ng permanent chief ng pambansang pulisya sa Enero.

“Pagpasok ng bagong taon, para sa pagsimula ng ating procurement, ay kinakailangan na magkaroon na tayo ng bagong Chief PNP. Dahil kung may anumang bagong kontrata na kailangang pirmahan, kailangan isang permanent Chief PNP ang siyang lalagda dito,” anito.

Ang rason ay dahil kailangan ng pirma ng PNP chief sa mga dokumentong kakailanganin sa pagbili ng kagamitan ng police personnel.

151

Related posts

Leave a Comment