DU30 KAY FAELDON: MAG-RESIGN KA NA!

MATAPOS ang kaliwa’t kanang panawagan ng publiko at politiko na umalis na sa posisyon si Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon, nagdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin na ito, agad.

“Nakapagdesisyon na ako nitong nakaraang gabi. Iniuutos ko ang agarang pagsibak sa tungkulin kay Faeldon,” sabi ng Pangulo.

Naging kontrobersiyal ang BuCor chief matapos ang naunsiyaming paglaya ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez.

Naibalita na may bayarang nagaganap sa loob ng bilibid kapalit ng paglaya ng high profile convicts kasama na ang suspect sa pagpaslang at panghahalay sa Chiong sisters ng Cebu City, gayundin ang bigtime Chinese drug lords.

Ang paglaya ng mga convict ay base umano sa magandang pag-uugali na ipinakikita habang nasa bilibid, ayon kay Faeldon.

Matapos mabuking ang iregularidad, hiniling din na ibalik-selda ang mga pinalaya kasabay ng malalimang imbestigasyon kay Faeldon at sa basehan nito sa pagpapalaya sa mga nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo.

181

Related posts

Leave a Comment