DU30 NAG-IINTERVIEW NG KANDIDATONG SPEAKER

duterte100

(NI BERNARD TAGUINOD)

NAG-IINTERVIEW ng kandidato ng susunod na mamumuno sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Pangulong Rodrigo Duterte nang kumalat ang balitang isinugod ito at nasa kritikal na kondisyon.

Ito ang nabatid sa isang kongresista na hindi na nagpabanggit ng pangalan kapalit ng impormasyong ito matapos kumalat ang impormasyong itinuturing na isang uri ng ‘fake news’.

Ayon sa mambabatas, kasama ni Duterte ang isa sa nagbabalak maging Speaker sa 18th Congress na si Marinduque Rep. Lord Alan Velasco sa Palasyo ng Malacanang nang kumalat ang nasabing fake news.

“Balita ko magkasama sila ni Lord Alan. Nag-aapply kasi siya sa Speakership. Baka iniinterview (ni Duterte),” ayon sa mambabatas.

Kabilang sa mga matunog na naghahangad na maging Speaker sa susunod na Kongreso ay sina Leyte Rep. Ferdind Martin Romualdez ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD).

Maging si dating Sen. Allan Peter Cayetano na running mate ni Duterte noong 2016 presidential election at  bagong halal na kinatawan ng Taguig-Pateros ay matunog ding gustong maging Speaker.

Gayunpaman, sa tatlong nabanggit, si Velasco pa lamang ang kinausap ni Duterte sa mga nabanggit.

 

181

Related posts

Leave a Comment