DUDURA SA KALYE PAGMULTAHIN

ISINUSULONG sa Senado ang panukala upang pagmultahin ang sinomang dudura sa mga kalye.
Layon ng Senate Bill 1406 ni Senador Manny Pacquiao na tuluyang ipagbawal ang pagkakalat ng dura o plema sa mga kalsada sa gitna na rin ng paglaganap ng iba’t ibang uri ng sakit partikular ang COVID-19.
Binigyang-diin ni Pacman sa kanyang panukala na tungkulin ng estado na pangalagaan ang kalusugan ng sambayanan at maipaalala sa taumbayan ang kalinisan hindi lamang sa sarili kundi maging sa kapaligiran.
Sa kanyang panukala, mahigpit na ipagbabawal ang pagdura sa mga pampublikong lugar, kasama na ang mga lugar na pag-aari ng pribadong indibidwal.
Ang sinomang lalabag ay pagmumultahin ng P5,000 sa unang paglabag; P10,000 sa ikalawa; at P50,000 sa ikatlong paglabag bukod pa sa pagdalo sa health seminar o maaari ring makulong ng hanggang anim na buwan. DANG SAMSON-GARCIA

265

Related posts

Leave a Comment