DUQUE, ‘SUKI’ NG IMBESTIGASYON SA KORAPSYON

MISTULANG ‘suki’ na si Health Secretary Francisco Duque III kapag korapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang iimbestigahan sa Senado.

Inaasahang kasama na naman si Duque sa isasagawang imbestigasyon ng Senado bilang “committee as a whole” tungkol sa panibagong krimen ng korapsyon sa PhilHealth dahil “Chairman
of the Board” ang kalihim ng Department of Health (DOH) sa nasabing ahensiya ng insurance ng mga manggagawang Filipino.

Ang mainit na usapin ngayon tungkol sa korapsyon sa PhilHealth ay ang P2.1 bilyong halaga ng proyektong information technology (IT) na batay sa ulat ng Commission on Audit (COA) at
PhilHealth internal auditors ay sobra ng P98 milyon.

Sisiyasatin din sa Senado ang bagong tatag na Interim Reimbursement Mechanism (IRM) na ayon naman sa nakalap na impormasyon ni Senador Panfilo Lacson ay nakapaglabas na ng P443 milyon sa ilang pagamutang wala namang akreditasyon sa PhilHealth.

Tinukoy ng nagbitiw na si Atty. Thorrsson Montes Keith mula sa pagiging PhilHealth legal officer na “mafia,” o sindikato, ang ‘utak’ ng malaganap na korapsyon sa ahensiya.

Noong 2019, ginisa rin si Duque sa Senado nang madiskubreng pag-aari ng pamilya niya ang gusali sa Pangasinan na inuupahan ng PhilHealth-Region 1.

Sa panibagong garapalang korapsyon sa PhilHealth ay pinaniniwalaang malaki ang pananagutan ni Duque dahil P98 milyon ang overpriced sa isang bahagi ng P2.1 bilyong IT project nito.

Bukod kay Duque, kasama ring magpapaliwanag sa mga senador si PhilHealth President and CEO Ricardo Morales hinggil sa malaganap na korapsyon sa naturang state insurance. (NELSON S.
BADILLA)

114

Related posts

Leave a Comment