DUTERTE PURGE: PARA SA POLITICAL SURVIVAL NI BBM

(BERNARD TAGUINOD)

HINDI para sa seguridad ng Pilipinas kundi para sa kanyang political survival kaya nireogranisa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang National Security Council (NSC).

Ito ang paniniwala ni dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares matapos tanggalin ni Marcos ang Vice President at mga dating pangulo ng bansa bilang miyembro ng NSC sa pamamagitan ng Executive Order (EO) 81.

Partikular na tinamaan dito sina Vice President Sara Duterte at ama nitong si dating pangulong Rodrigo Duterte na ikinokonsiderang ‘purging’ ng isang political analyst.

“The removal of Vice President Sara Duterte and former presidents from the NSC clearly shows the widening rift between the Marcos and Duterte factions. This is not just about national security – this is about political survival,” ani Colmenares.

Naniniwala rin ang dating mambabatas na lalong titindi ang power struggle sa pagitan ng mga Duterte at Marcos sa paparating na 2025 midterm election para maproteksyunan ang kani-kanilang dynasty.

“Ang mga ganitong hakbang ay nagpapakita ng tunay na mukha ng Philippine politics – isang bangayan ng mga dinastiya para sa kapangyarihan habang ang mamamayang Pilipino ay nagdurusa sa kahirapan,” ani Colmenares.

Subalit ang ikinababahala ni Colmenares ay posibleng mahati ang militar sa hakbang na ito ni Marcos.

“Their removal may also indicate fears of a possible rift within the military establishment, which could have serious implications for the country’s stability,” paliwanag pa ng dating solon.

‘Ill-Advised’ – Panelo

Itinuturing naman ni dating Presidential Spokesperson Atty. Salvador S. Panelo na isang “ill advised presidential move” ang pagkakatanggal kay Vice President VP Sara bilang miyembro ng NSC.

“It smacks of dirty politics. Another brazen measure to diminish the political star power of VP Sara,” ang sinabi ni Panelo.

Ang pagkakaalis aniya nina dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating pangulong Joseph Estrada sa NSC ay para pagtakpan at pabanguhin lamang ang pagkakaalis ni VP Sara bilang miyembro upang palabasin na hindi talaga siya ang target.

Nauna rito, tinanggal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ginawa nitong reorganisasyon ng NSC ang bise presidente at mga dating pangulo ng bansa bilang miyembro nito.

Sa pagtinta ng Pangulo sa Executive Order No. 81, winika ng Chief Executive, kinakailangang gawin ang nasabing pagbabago upang matiyak na mananatiling matatag ang NSC bilang isang national security institution, na kayang mag-adapt sa mga nagbabagong hamon at oportunidad, sa loob at labas ng bansa. (May dagdag na ulat si CHRISTIAN DALE)

136

Related posts

Leave a Comment