ELEKSYON NA NAMAN, PABUBUDOL KA BA ULIT?

PAINIT nang painit ang mga palabas sa entablado ng pulitika habang papalapit na ang huling araw ng paghahain ng kandidatura para sa Halalan 2025.

Kanya-kanya nang gimik ang ilan sa mga lalawigan, distrito, siyudad at munisipalidad kung saan nila balak mahalal.

Sa pagkasenador, may gustong palawigin ang kanilang termino, may nais makabalik, at may magbabakasakali muli.

Nasa 18,272 nasyonal at lokal na posisyon ang nakalatag sa eleksyon sa Mayo 12, 2025.

Bakit parami nang parami ang gustong magkaroon ng pwesto bilang halal ng bayan?

Madali lang ang mga kwalipikasyon sa mga gustong tumakbo para sa pagka-senador, pagka-congressman, pagka-gobernador, pagka-mayor at pagka-konsehal.

Pero, hindi ang mga kwalipikasyong nakasaad sa batas ang dapat tingnan kundi ang kapasidad, kalidad at kakayahan ng matino at magaling na kandidato na unang tinitingnang trabaho ay maglingkod para sa kapakanan ng mamamayan at sa interes ng bayan.

Hindi mahirap kumilatis ng kandidato kung nais ng mga botante na magkaroon ng pagbabago.

Ginagamit na naman ng mga politiko ang mga linyahang “gustong makatulong kaya kumandidato,” “marami ang kumukumbinsi sa akin na tumakbo,” “kailangan na ang pagbabago,” at iba pang nakahahalinang pangungumbinsi.

Umiiral at lalong luminaw at namamayagpag ang political dynasty, ang mga trapo na hindi masawata sa pagtakbo at sa kanilang balak bumalik.

Hindi pamana ang pulitika. Hindi ito korporasyon ng pamilya. Public servant ang mga halal ng mamamayan kaya pagsisilbi sa bayan at tao ang dapat nilang gampanan.

Hindi rin sukatan ang tagal sa panunungkulan para masabing sila ay maayos na kandidato. Ang maikling panahon ng paninilbihan ay mainam kung ito ay ginamit nang makabuluhan para

magsilbi sa tao. Kung gusto ng mga tao ng pagbabago ay dapat silang pumili ng karapat-dapat, matapat at maayos na kandidato.

‘Yan ang halaga ng balota.

75

Related posts

Leave a Comment