EROPLANO SUMADSAD SA NAIA

ISANG eroplanong naglululan ng 42 pasahero mula sa Naga City ang sumadsad ilang saglit makaraan ang “touchdown” sa run ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal III sa lungsod ng Pasay.

Gayunpaman, walang naiulat na nasawi o nasaktan sa nasabing insidente, ayon sa pamunuan ng paliparan.

Sa isang kalatas, inamin ng Cebu Pacific na sumadsad ang kanila CebGo flight DG 6112 Naga-Manila bandang tanghali kahapon –“All 42 passengers and four crew deplaned normally and are safe with no reported injuries,” saad ng pahayag ng Cebu Pacific.

Agad naman anilang na-tow ang eroplano upang hindi makasagabal sa iba pang biyahe.

Samantala, napilitan naman i-divert ang paglapag ng mga domestic flights ng Philippine Airlines sa Clark International Airport sa Pampanga.

Pansamantala rin hindi muna pinahintulutang lumipad patungo sa Pilipinas ang mga eroplano ng PAL mula sa London, Dammam, Dubai at Doha. Paglilinaw ng PAL, magkakaroon lang ng “kaunting delay” sa paglapag ng kanilang mga arriving international flights.

“We are seeking the patience and understanding of our passengers. We look forward to resuming flights once runway obstruction is cleared,” pahayag ng PAL. (JESSE KABEL)

153

Related posts

Leave a Comment