MULING nanguna sina dating senador at Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero at Senador Joel Villanueva sa isinagawang senatorial survey ng WR Numero Inc., mula Disyembre 2 hanggang 7 ngayong taon.
Sa naturang survey 73.6% ng kabuuang 5, 000 na respondents ang pumili kay Escudero para manguna sa senatorial election.
Nagtapos ang termino ni Escudero noong 2019. Sa kaparehong survey sa nakalipas na buwan, nanguna rin si Escudero na nakapagtala ng 72.3%.
Pumangalawa naman si Villanueva sa survey na nakakuha ng 57.4% na suporta sa kabuuang respondent na kung saan ay nakaungos ito mula sa ikaapat na puwesto noong nakaraang buwan na nakakuha ng 52.1%.
Si Villanueva ay nahalal sa Senado matapos maging tanyag bilang TESDAMAN nang maging director-general ito ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
At nang mahalal na senador ay kanyang binigyang-pansin ang pagsusulong ng Tech-Voc Education at ang kapakanan ng manggagawa lalo na ang biktima ng pang-aabuso ng employer.
Magugunitang noong 2016 election, pumangalawa si Villanueva sa nanalong senador na nakakuha ng 18,459,222 boto.
Sumunod kay Villanueva na tubong Bulakan, sina Senator Sherwin Gatchalian (3rd, 55.4%) at Senate Majority Leader Miguel Zubiri (4th, 55.2%).
Kasama rin sa piniling 12 senators sa survey sina Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez (5th, 54.8%), Batangas Gov. Vilma Santos-Recto (6th, 50.2%), Anakalusugan party-list Rep. Michael Defensor (7th, 49.2%), Taguig Rep. Alan Peter Cayetano (8th, 48.5%), Dr. Willie Ong (9th, 46.7%), Senator Risa Hontiveros (10th, 44.5%), Antique Rep. Loren Legarda (11th, 40.9%), at Senator Francis Pangilinan (12th, 36.7%).
Samantala, nakabilang din sina Presidential spokesperson Harry Roque placed 14th (35.8%), habang si Communications Secretary Martin Andanar dropped to 20th (30.7%), sinundan nina Public Works Secretary Mark Villar (21st, 30.3%), Information and Communications Technology Secretary Gringo Honasan (23rd, 28.3%), Presidential chief legal counsel Salvador Panelo (26th, 20%), Buhay party-list Rep. Lito Atienza (13th, 36.1%), Cavite Gov. Jonvic Remulla (15th, 35.7%), actress Angel Locsin (16th, 35.6%), Senator Richard Gordon (17th, 33.9%), actor Dingdong Dantes (18th, 33.6%), and former Senator Bam Aquino (19th, 31.2%). (ESTONG REYES)
