GAG ORDER NI DIGONG, FAKE NEWS

WALANG gag order si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng gabinete nito kaugnay sa  isyu ng naunsyaming anti-COVID-19 vaccine mula sa Pfizer.

Paglilinaw ni Senate Committee on Health chairman at Senador Christopher Bong Go na sa pulong sa Palasyo, nagpaliwanag na si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III hinggil sa hindi agad pagpirma sa kasunduan sa Pfizer.

Kinumpirma nito na namumula sa galit si  Duque sa pagpapaliwanag dahil  siya ang nasisi sa isyu at palaging nasisisi sa maraming usapin.

Dagdag pa ni Go na sinabi ni Duque na palagi na lamang  itong nasisisi gayung pilit niyang ginagawa ang kanyang tungkulin para maibigay ang serbisyo sa taumbayan.

Una nang nanawagan  si Go sa gabinete  na huwag nang mag-away-away at sa halip ay magtulungan na lamang dahil batid naman ni Pangulong Duterte na ginagawa ng mga ito ang kanilang trabaho.

Nauna na ring nanawagan si Go kay Duque na ipaliwanag sa taumbayan ang sitwasyon habang nanawagan din ito kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin  na magtulungan na lang at nagpapasalamat siyang nagpapakita ito ng malasakit sa administrasyon. (NOEL ABUEL)

221

Related posts

Leave a Comment