ESTADO NG PANGULO

Syanong Detektib

SA kabila ng paulit-ulit na pagtanggi ng Palasyo, usap-usapan pa rin sa social media ang umano’y malubhang karamdaman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sinasabing kailangang sumailalim sa isang delikadong operasyon.

Ang totoo, hindi pwedeng balewalain ng Palasyo ang mga agam-agam ng publiko lalo pa’t nasa gitna ng isang matinding pagsubok ang bansa bunsod ng hidwaan sa Gitnang Silangan.

Subalit ano nga ba ang totoo? May sakit nga pa si Marcos o wala?

Ayon kay Usec. Claire Castro na tumatayong tagapagsalita ng Palasyo, fake news ang kumakalat na balitang nagsasabing malubha ang karamdaman ng Pangulo.

Pero bakit hindi nawawala ang isyu? Dangan naman kasi, ayaw ilabas ng Palasyo ang medical diagnosis ni Dayunyor. Sa mata ng mga ordinaryong Pilipino, dapat lang ipabatid ng Palasyo ang totoong kalagayan ng Pangulo.

Bigla tuloy bumalik sa aking alaala ang panahon ng panunungkulan ng tatay ni Dayunyor — ang yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Tatlong taon bago sinipa sa pwesto sa bisa ng EDSA People Power Revolution, nabunyag ang malubhang karamdaman ni Marcos Sr., bagay na itinanggi rin noon ng Palasyo.

Sa pagtanggi isapubliko ang tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan, kinokopya ba ni Dayunyor ang estilo ng kanyang yumaong ama.

Sa ilalim ng Saligang Batas, kailangan may humalili sa pwesto ng Pangulo sakaling siya’y pumanaw o magkaroon ng malubhang karamdaman.

Iyon ay walang iba kundi ang bise presidente. Ang siste, hindi papayag ang Dayunyor na ang kanyang bise presidente ang hahalili sa kanyang trabaho.

Sa isang banda, may punto naman si Dayunyor… baka nga naman kasi wala na siyang balikang pwesto sa sandaling makaporma si Vice President Sara Duterte.

‘Pag nagkataon, hindi lang pwesto ang mawawala kay Dayunyor na umano’y may pinakamalaking pakinabang sa tinatawag na flood control scandal.

Baka matulad siya sa kanyang tatay na natanggal sa pwesto sa edad na 68-taong gulang… pero teka, hindi ba’t 68-anyos na rin ngayon si Dayunyor?

50

Related posts

Leave a Comment