LAGUNA – Bulagta ang isang 17-anyos na estudyante matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Purok 7, Ilaya, Barangay Parian, Calamba City nitong Huwebes ng madaling araw.
Ayon sa report ng Calamba City Police Station, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang naglalakad ang biktimang si alyas “JP” sa hindi kalayuan sa kanilang bahay.
Bigla na lamang umanong sumulpot ang dalawang suspek at pinagbabaril ang biktima sa hindi malamang dahilan.
Natadtad ng tama ng bala sa katawan ang biktima na agaran nitong ikinamatay.
Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Brgy. Uno, Calamba City.
(NILOU DEL CARMEN)
