BATANGAS – Patay ang isang dating kagawad ng Barangay Mabilog na Bundok, sa bayan ng Lobo sa lalawigang ito makaraang barilin ng hindi kilalang lalaki noong Miyerkoles ng hapon.
Kinilala ng Lobo Police ang biktimang si Rogelio Lontoc, 61, dating barangay kagawad at negosyante ng uling.
Batay sa report, pasado alas-singko ng hapon nang dumating ang suspek sa bahay ng biktima at nag-alok umano ng ibibentang uling.
Ngunit sa hindi malamang dahilan, biglang nagbunot ng baril ang lalaki at malapitang binaril ang biktima sa terrace ng bahay.
Agad na tumakas ang suspek na naglakad lamang papalayo matapos ang pamamaril.
Isinugod naman sa ospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival. (NILOU DEL CARMEN/CYRILL QUILO)
