SI dating National Bureau of Investigation (NBI) chief Dante Gierran ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong PhilHealth chief.
Kinumpirma ni Senator Bong Go ang appointment ni Gierran bilang kapalit ng nagbitiw na si Ricardo Morales.
“Silent worker po ang taong ito. Marunong mag-account at may karanasan sa pag-imbestiga,” ayon kay Go.
Nagbitiw si Morales sa gitna ng imbestigasyon kaugnay sa malawakan umanong katiwalian sa PhilHealth.
