(NI CHRISTIAN DALE)
KINUMPIRMA ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang pagpanaw ng kanyang ama na si dating House Speaker Prospero Nograles sa edad na 71.
Sa ipinalabas na kalatas ng batang Nograles ay nagpapasalamat sila sa lahat ng naging bahagi ng buhay ng kanilang Tatay Nogie.
Aniya, tahimik na pumanaw ang dating speaker habang silang mga mahal sa buhay ay nakapaligid.
Samantala, humingi naman ng dasal si Secretary Nograles para sa namayapa niyang ama.
“Our family would like to express our deepest gratitude to all of you for being a part of Papa Boy Nogie’s life and journey. Papa passed away peacefully, surrounded by his family. May we please ask for your continued prayers? He is finally at peace. Details of the wake to follow,” ayon kay Sec. Nograles.
Ang nakatatandang Nograles ay nanungkulan bilang Speaker of the House of Representatives noong 2008 hanggang 2010, sa panahon ng termino ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Nanungkulan siya bilang chair ng partidong Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) noong 2008 hanggang 2009, habang vice chair noong 2009 hanggang 2010.
