HANGGANG sa Paris at sa mga sosyalan hindi pa rin nakakalimutan ni Heart Evangelista na i-promote ang Filipino culture sa ibang lahi.
Suot man ng Kapuso star at “StarStruck” judge ang iba’t ibang mamahaling brand, nananatili pa ring Pinay ang puso nito.
Kamakailan lang habang nasa Paris Fashion Week ang actress-fashionista, ipinakilala nito sa mga kaibigang celebrities ang isa sa tradition ng mga Filipino, ang “boodle fight” kung saan sabay-sabay na kakain ang lahat ng nakalatag na iba’t ibang putahe.
Hindi simpleng kainan ang ipinagawa ni Heart sa kanyang mga kaibigan, kundi binigyan niya ng instruction ang mga itong kumain nang gamit ang kanilang mga kamay.
Nasa larawan ang executive ng Hermes na si Michael Coste, ang isang kilalang singer sa Paris na si Nico, at isang kapwa Filipino na tinuruan niyang magluto ng boodle fight foods at mag-set up nito.
Hindi talaga pumayag si Heart na hindi gamitin ng mga Parisian friends nito ang kanilang mga kamay sa pagkain.
Nagtagumpay naman si Heart sa kanyang “project” at na-enjoy nilang lahat ang masarap na pagkain, kwentuhan at halakhakan.
Nakakaloka lang isipin na habang nagkakamay sina Heart at ang mga Parisian friends nito, suot-suot nila ang mamahaling brands.
DEREK RAMSAY, NAPAMURA SA DUBAI
Napamura si Derek Ramsay sa thrill na naramdaman sa “paglipad” nito sa ere ng Dubai habang nakatali lang siya sa isang kable.
Hindi napigilan ni Derek ang makapagsalita ng “Putahhh!” nang magsimula na siyang “lumipad.”
Sinubukan ni Derek na maranasan ang tinaguriang pinakamataas na zipline sa buong mundo sa Dubai na higit sa 170 meters above ground at tumatakbo ng 80 kms/hour.
Nakaposte sa Instagram wall ni Derek ang naturang video. Sandali lang ang kaba na naramdaman ni Derek, at napalitan na agad ito nang kasiyahan habang “lumilipad” siya na mala-Superhero.
Mahilig si Derek sa mga extreme sports, kaya bale wala lang sa kanya ang ganitong adventure.
Nasa Dubai si Derek para sa isang celebrity basketball game na pinamumunuan ni Sen. Manny Pacquiao.
GWEN, MAKAKAHATI SI SAM SA SEMERAD CABIN
Hindi nagkamali si Gwen Zamora na ibigay ang sarili niya sa basketbolistang si David Semerad at bigyan ito ng anak, dahil pinatutunayan naman ng athlete na mahal nito ang aktres at ang kanilang baby.
Sa katunayan, iniaalay ni David ang ipinapagawa nitong bahay para kay Gwen at sa baby nila.
Nakaposte sa Instagram wall ni Gwen ang pagbisita nila nina David at ng baby nila sa ipinapagawang bahay.
Nagpasalamat si Gwen at nag-comment ng “I Love You”, sa importansyang ipinaparamdam sa kanila ni David.
Pero hindi solo ni David ang property dahil katuwang niya rito ang kambal na si Anthony.
May hashtag itong “The Semerad Cabin,” nagpapahiwatig na joint property ito ng twins. Present din sa pagbisita si Anthony at ang syota niyang si Sam Pinto.
Kung mauuwi sa kasalan ang relasyon nina Sam at Anthony, makakahati ni Gwen sa cabin si Sam.
