Expert hinimok ang Pinoy na ‘wag matakot sa covid vaccine BANGUNGOT NG DENGVAXIA SARIWA PA

UMAPELA ang isang vaccine expert sa media na sana’y mabigyang-diin ang kahalagahan ng pagbabakuna at ang maaaring mangyari kung hindi mabibigyan nito.

Nanawagan sa media si UP- PGH proffessor Emeritus Dra. Lulu Bravo sa gitna ng tila pagkatakot ng mga tao sa bakuna base na rin sa mga nababasa sa social media.

Ani Dra. Bravo, may risk na nakapaloob sa pagbabakuna ngunit napaka-minimal lamang nito habang ang side effects ay manageable at di hamak na mas marami ang maibibigay nitong benepisyo.

“So, it is important that we assure our people na kapag ang bakuna ay lumabas na at naaprubahan ng ating FDA eh mayroon na talaga iyang certain safety mechanism in place. So, the benefits that you will get from that vaccine will far outweigh the risk. It would be a small risk. Sabi ko nga, walang bakuna na 100% safe, so may risk na makikita ka, pero iyang risk na iyon is tolerable. Puwede nating ma-manage iyong ganoong risk and if you know what the risks are, alam mo rin kung papaano ia-address iyong risk na iyon,” anito.

Malaki aniya ang magagawa ng media upang mahikayat ang maraming Pinoy na magpabakuna sa harap na rin ng kanilang pangamba na
maraming mamamatay kapag hindi nabigyan ng vaccine. (CHRISTIAN DALE)

150

Related posts

Leave a Comment