INULAN ng batikos at pang-aasar sa mga supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte si House Speaker Lord Allan Velasco na tila nasampal at nagising sa ginawa nitong pagtatanggol sa red tagging issue sa Makabayan bloc.
Ang pambabatikos kay Velasco ay sa harap na rin ng naging pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na sa naging engkuwetro ng militar at komunistang grupo kung saan napatay ang bunsong anak ni Bayan Muna Rep. Eufemia Culliamat na si Jevilyn ay nagpapatunay na may basehan ang kanilang matagal nang sinasabi na ang Makabayan bloc ay sumusuporta sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).
“Actually dahil sa nangyari ngayon, anak pa ng congresswoman na Makabayan ‘yung namatay, yung red-tagging namin ay may basis. May basis na sila ay sumusuporta, ‘yung Makabayan, sinusuportahan nila itong CPP-NPA at saka ‘yung tinatawag na armed struggle ng NPA,” paliwanag ni Lorenzana.
Sa mga kaalyado ni Pangulong Duterte ay tanging si Velasco ang umalma sa red-tagging isyu sa Makabayan bloc at nagsabing walang sapat na ebidensya laban sa progressive solons kaya binalaan pa nito si Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. na mag-ingat sa kanyang mga akusasyon sa na walang basehan.
“As Speaker of the House, I am duty bound to protect them from potential harm due to these careless accusations. General Parlade should be more circumspect and cautious in issuing statements against House members whose lives he may place at great risk and danger sans strong evidence. These lawmakers are duly elected representatives of the people, and implicating them on issues that have yet to be substantiated is uncalled for,” nauna nang pahayag ni Velasco.
Hamon ng DDS na si Mark Lopez kay Velasco, ngayong napatunayan na may basegan ang red-tagging sa progressive solons at mismong si Pangulong Duterte muli ang nagsabing front organization ng CPP-NPA-NDF ang Makabayan bloc ay magsagawa na ito ng imbestigasyon.
“Take the cue and initiate expulsion proceedings na. Its ok if your move will be challenged along the way, ang importante you did your part in our effort to rid our society of this long standing menace,” pahayag ni Lopez.
Bilang lider ng Kamara ay dapat umaksyon si Velasco sa napatunayang pagkakasangkot sa red-tagging ng mga kasapi ng Makabayan bloc. Giit ng DDS, hindi dapat ang Senado ang nagsasagawa ng imbestigasyon sa red-tagging kundi dapat ay unang gumawa nito ang mababang kapulungan dahil miyembro nila ang progressive solons.
Suportado ng DDS ang panawagan ng dating NPA rebel at star witness ng gobyerno na si Jeffrey Celiz, alyas Ka Eric na magbitiw bilang miyembro ng Kamara ang Makabayan bloc dahil guilty ang mga ito sa kasong treason.
Una ay nilalabag nito ang kanilang sinumpaang tungkulin na dapat ipagtanggol nila ang Konstitusyon laban sa mga kalaban ng gobyerno, ikalawa ay nililinlang ang taumbayan dahil ang kanilang loyalty ay wala sa tao at sa gobyerno.
Naniniwala rin ang mga supporter ni Pangulong Duterte na may hurisdiksyon ang Kamara para mapatalsik ang Makabyan bloc subalit nangangailangan ito ng inisyatibo mula kay Velasco.
