EXTRADITION PETITION VS QUIBOLOY NILARGA NG DOJ

SINIMULAN na ng Department of Justice (DOJ) ang extradition proceedings laban kay Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy at dalawa pa niyang kasamahan, alinsunod sa kahilingan ng pamahalaan ng United States.

Ayon sa DOJ, naghain na ito ng extradition petition sa Makati Regional Trial Court Branch 145, sa ilalim ni Judge Karen Matti Sy.

Bukod kay Quiboloy, kabilang sa kahilingan sina Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag, na nahaharap sa mga kasong international human trafficking, sex trafficking, conspiracy at bulk cash smuggling sa Estados Unidos.

Alinsunod sa bagong Rules on Extradition, maglalabas ang extradition court ng warrant of arrest laban sa mga respondent. Mag-iisyu rin ang Clerk of Court ng kaukulang summons na personal na ihahatid kasama ang petition at mga kalakip na dokumento.

Nilinaw ng DOJ na hindi paglilitis upang tukuyin kung nagkasala o inosente ang mga respondent ang extradition proceedings. Layunin lamang nitong dinggin ang kahilingan ng Amerika na isuko sa kanilang hurisdiksyon ang mga akusado upang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanila sa ilalim ng US-Philippines Extradition Treaty.

Sa Pilipinas, nananatiling nakadetine sina Quiboloy, Dandan at Panilag.

(JULIET PACOT)

113

Related posts

Leave a Comment