FAVIPIRAVIR AT ARBIDOL GAMOT KONTRA COVID-19

INANUNSYO ni CEO Jomerito Soliman, na naghanda ang My Med Rx Plus Corporation ng isang milyong tabletas ng Favipiravir Avigan at tatlong milyong tabletas ng Umifenovir Arbidol upang matulungan ang mga nangangailangan na ospital at pasyente.

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Soliman, makatutulong ang mga naturang gamot sa pagpapagaling sa halos 100,000 hanggang 200,000 na pasyente.

Aprubado ang dalawang naturang antivirals na gamot ng Food and Drug Administration sa ilalim ng Compassionate Permit.

Nabatid na matagal nang gamit ang Umifenovir Arbidol at Favipiravir Avigan sa mga bansang Japan, Russia, China at Amerika.

Pitong taon (Umifenovir Arbidol) at 20 taong (Favipiravir Avigan) nang ginagamit bilang gamot laban sa matataas na uri ng lagnat.

Nirereseta na rin ang mga naturang antivirals drug sa mga ospital sa Metro Manila at sa mga probinsya sa ilalim ng FDA Compassionate Permit.

Pinaalalahanan naman aniya ng National Bureau of Investigation at FDA na bawal ipasok at ibenta ang nabanggit na gamot nang walang kaukulang permit.

416

Related posts

Leave a Comment