(NI DAHLIA S. ANIN)
NAGKAKAGULO sa online world dahil sa reklamo ng mga users ng Facebook at Instagram sa buong mundo dahil sa hindi nila magamit o mabuksan ang mga app na ito.
Nagsimula ito noong Miyerkoles ng gabi hanggang sa kasalukuyan. Ayon sa pahayag ng Facebook sa kanilang twitter account, alam nila na may ilang tao ang nagkakaproblema ma-access ang kanilang mga account sa FB at Instagram, pero ginagawa na nila ang lahat para masolusyunan ito.
Dagdag pa ng FB sa kanilang post, hindi daw ito bahagi ng mga atake na ginagawa ng DDoS o ang distributed denial of service cyber strike, isang paraan umano ito ng pag-hack ng account.
Reklamo ng ilang Pinoy subscribers ay hindi umano sila maka log in sa kanilang mga account at nagagamit lang umano ito kung gagamit sila ng chrome bago mag log in. Hindi rin umano nila ma-view ang mga picture na sinesend sa kanilang messenger.
Mabilis na kumalat sa twitter ang mga #facebookdown at #instagramdown na naging top trending topic sa buong mundo.
270