QUEZON – Isang fetus na nakalagay sa bag ang itinapon sa ilog sa Barangay Camaysa, Tayabas City noong Martes ng umaga.
Ayon sa report ng Tayabas City Police, laking gulat ng residenteng si Marcelino Cocadiz nang buksan ang asul na backpack bag at tumambad ang walang buhay na fetus.
Sa pagsusuri ni Dr. Hernando Marquez, City Health Officer ng Tayabas City, nagpag-alamang nasa 32 weeks na o 8 buwan na ang fetus at kumpleto na ang mga bahagi ng katawan nito.
Posible aniyang isinilang ang sanggol at patay ito nang ilabas subalit ang nakapanlulumo ay itinapon ito ng mga magulang sa halip na ilibing.
Inaalam ng mga awtoridad kung sino ang mga magulang ng sanggol na posibleng maharap sa kaso. (NILOU DEL CARMEN)
214
