FRONTLINERS LIBRE SA TOLL FEE

INANUNSYO ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) na hindi pagbabayarin ng toll fee ang mga medical frontliner na dadaan sa NLEX, SCTEX, Cavitex at Calax.

Ito ay bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at pagtulong sa pagsugpo sa COVID-19.

Ayon sa MPTC, nais nilang sa kanilang munting programa ay mabigyan ng konting kaligayahan ang mga bayani ng bansa.

Samantala, namahagi rin ang MPTC ng relief goods sa mga barangay na kanilang dinaanan sa NLEX, SCTEX, CAVITEX at CALAX na nasa Quezon City, Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Paranaque, Pasay at Las Pinas sa Metro Manila. Maging sa mga sa mga probinsya ng Bulacan, Pampanga, Tarlac, Bataan, Cavite at Laguna.

Ayon sa kanilang presidente na si Rodrigo Franco “With these urgent donations, MPTC hopes to support ongoing LGU relief efforts and somewhat ease the worries of families in these barangays, especially those who reside within the immediate vicinity of our network of expressways.” CYRILL QUILO

225

Related posts

Leave a Comment