GAGAMIT NG PEKENG SWAB TEST RESULTS, AARESTUHIN NA

ITO ang ipinag-utos ng Department of Interiors and Local Government (DILG) matapo mabatid na dumarami ang gumagamit ng mga pekeng COVID-19 swab test results.

Inatasan ng DILG ang Philippine National Police na maging agresibo sa pagtunton sa mga indibiduwal o grupo na namemeke ng COVID-19 swab test results.

Lubha na umanong dumarami ang ulat ng pamemeke ng swab test results para makabiyahe o makapagbakasyon, ayon kay DILG Officer-in-Charge Bernardo Florece Jr.

Target ni Florece na buwagin, arestuhin at kasuhan ng PNP ang mga gumagawa ng huwad na swab test result ganoon din ang mga gumagamit o may hawak ng pekeng swab test result.

“This is a crime and is punishable under our law. We are also warning those people planning to fake their test certifications. Huwag n’yo na pong gawin at kung hindi, sisiguraduhin po namin na makukulong,” ani Florence.

Maliwanag umanong paglabag din ito sa Republic Act (RA) No. 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Unang nadiskubre ang paggamit ng pekeng swab test results sa ilang tao na nagtangkang pumasok sa Boracay. (JESSE KABEL)

179

Related posts

Leave a Comment