GAMOT SA COVID-19 MATATAGALAN

ITO ang paniniwala ng Department of Science and Technology, sabay sabi na posibleng sa Hulyo 2021 pa ito maging available.

“Pinakamaaga na magkakaroon tayo ng vaccine diyan ay July 2021,” sinabi ni Science Undersecretary Rowena Guevarra sa panayam ng ABS-CBN.

Paliwanag pa ni Guevarra, sisimulan pa lamang kasi ang mga clinical trials sa 4 o 5 bakuna sa higit 200 Pilipino sa Setyembre.

Ito ay kabilang sa mga tinatawag na solidarity trials na pinamumunuan ng World Health Organization (WHO) sa maraming bansa.

Malaki ang magiging papel ng pagsubok sa bakuna para makita ang bisa nito at kung ligtas sa mga Pinoy.

Kailangan pa itong aprubahan ng Food and Drug Administration.

Nauna nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na umaasa siyang babalik na sa normal ang sitwasyon sa bansa sa Disyembre kapag nabigyan ng COVID-19 vaccine ng China ang bansa.

Bukod sa solidarity trials, sumali rin ang Pilipinas sa pandaigdigang proyekto ng WHO na COVAX Facility, na magagarantiya na mabibigyan ang bansa ng bakuna kontra COVID-19 para sa 3
porsiyento ng populasyon ng bansa.

Tiniyak din ni Guevarra na uunahing bigyan ng libreng bakuna kontra COVID-19 ang mga frontliner at pinakamahihirap na senior citizen.

Tiniyak din ng DOST na may pondo ang pamahalaan para sa bakuna. (CATHERINE CUETO)

349

Related posts

Leave a Comment