ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si George Erwin Garcia bilang Chairman ng Commission on Elections.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na isinumite na ng Pangulo ang pangalan ni Garcia sa Commission on Appointments.
Si Garcia, dating Comelec Commissioner ay naging abogado ni Pangulong Marcos.
Siya rin ang kumatawan kay Senador Grace Poe sa kanyang citizenship case sa Korte Suprema noong 2016.
Naging abogado rin si Garcia ni dating Manila Mayor Isko Moreno. (CHRISTIAN DALE)
186 