Gawang US hindi China  PINAS BIBILI NG PCR TEST NA 45-MINS LANG MAY RESULTA NA

NAGPADALA na ng sulat ang gobyerno sa embahada ng Amerika sa gitna ng ginagawa ng pamahalaan na mapalakas at mapabilis pa ang testing capacity sa COVID 19.

Sinabi ni National Task Force on COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, ito’y kaugnay ng kanilang on going negotiation para makakakuha ng mas marami pang supply ng GeneXpert.

“So gumagawa po tayo ng negotiations sa supplier at saka po doon sa nagbibigay po  ng instructions kits na madagdagan po iyong ating instruction kits at ongoing po ang negotiation po
natin at  sumulat na po tayo sa embassy po ng US for us to access iyong supply po ng GeneXpert,” ayon sa Kalihim.

Ang GeneXpert base sa paliwanag ni Galvez ay magagawang makapagpalabas ng resulta ng PCR o swab test sa loob lamang ng 45 minuto.

Sa kasalukuyan ay nasa 24 na laboratoryo sa bansa ang mayroon nang GeneXpert at tiniyak din ng opisyal na sapat pa ang nabili na walong milyong test kits at mayroon pa umanong paparating na dalawang milyon. (CHRISTIAN DALE)

265

Related posts

Leave a Comment